^

Metro

PAIRTF wala nang power – DOLE

-
‘‘Anuman ang gawing operasyon ng mga tauhan ni Director Reynaldo Jaylo ng Presidential Anti-Recruitment Task Force (PAIRTF) ay walang basbas ang tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE)."

Ito ang inihayag ni DOLE Undersecretary Danny Cruz na siyang may direktang superbisyon sa grupo ni Jaylo sa PAIRTF.

Sinabi ni Cruz na simula pa noong July 9, 2005 ay nag-expired na ang ‘‘appointment" ng grupo ni Jaylo at hindi na ni-renew ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bunsod na rin ng iba’t ibang uri ng reklamo tulad ng ginagawa umanong ‘‘hulidap’’ ng ilang tauhan nito.

Ikinagulat din ni Usec. Cruz ang impormasyon na nakarating sa kanyang tanggapan na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagsasagawa ng pagsalakay at pag-aresto ng tauhan ni Jaylo sa ilang may-ari ng recruitment agency na pinaghihinalaang ilegal recruiter.

Sinabi ni Cruz na una na niyang pinagsabihan ang mga tauhan ni Jaylo na itigil muna nila ang kanilang operasyon makaraang hindi i-renew ng Pangulo ang kanilang extension ng kanilang termino.

Maaari rin umanong magreklamo ang sinumang magiging biktima ng grupo ng PAIRTF sa DOLE o kaya’y sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Gayunman, nilinaw ni Usec. Cruz na nananatili pa ring Director IV ng POEA si Jaylo sa kabila ng pagkakalusaw ng kanyang grupo. (Mario Basco)

CRUZ

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DIRECTOR REYNALDO JAYLO

JAYLO

MARIO BASCO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PRESIDENTIAL ANTI-RECRUITMENT TASK FORCE

SINABI

UNDERSECRETARY DANNY CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with