^

Metro

Ginang inatado ng stepson

-
Dala ng matinding galit, isang ginang ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang stepson sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Halos maputol ang leeg at tadtad ng saksak sa katawan ang biktimang si Gracia Akamad, 22, ng No. 107 Session Road, Area B, Sitio Talanay, Batasan Hills, Quezon City nang matagpuan, kamakalawa ng gabi.

Pinaghahanap naman ang stepson nito na nakilalang si Bryan Akamad, 21, na sinasabing responsable sa pamamaslang.

Ayon sa ulat, nadiskubre lamang ang bangkay ng ginang dahil sa kumakalat na ang mabahong amoy nito. Tinatayang ilang araw ng patay ang ginang hanggang sa madiskubre ang bangkay nito.

Binanggit pa ng pulisya na bago matuklasan ang krimen ilang araw na ang nakalipas ay narinig ng mga kapitbahay na nag-aaway ang biktima at ang suspect dahil ayaw umanong patirahin ng una ang huli sa bahay kasama ang kapatid nito.

May kapirasong sulat na inilagay sa bangkay ng ginang na dito nakalagay ang mga salitang "Dahil sa ’yo, nagkasakit ang kapatid".

Natagpuan din sa crime scene ang nagkabali-baling kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaslang.

Nabatid na ilang araw na umanong hindi lumalabas ng bahay ang biktima kung kaya’t nagpasya ang ilang kamag-anak nito na puntahan ito ng bahay hanggang tumambad sa kanila ang duguang bangkay nito.

Kasalukuyang nakadestino bilang security guard sa Cotabato ang asawa ng biktimang si Rene. (Doris Franche)

vuukle comment

AREA B

AYON

BATASAN HILLS

BINANGGIT

BRYAN AKAMAD

DORIS FRANCHE

GRACIA AKAMAD

QUEZON CITY

SESSION ROAD

SITIO TALANAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with