^

Metro

5.5 milyon pekeng dolyares nasabat

-
Umaabot sa 5.5 milyong halaga ng mga pekeng US dollar bills ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na masakote ang isang miyembro ng sindikato na nagpapakalat nito, kamakalawa sa Malate, Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Baghdad Jhupli Jimlani, 51, negosyante, may-asawa, at residente ng A. Francisco St., San Andres Bukid, Maynila.

Sa ulat ng NBI-Reaction Arrest and Interdiction Division (RAID) ni Atty. Ruel Lasala, nakatanggap ng impormasyon ang ahensya noong Agosto 20 ukol sa pagbebenta ng isang "Dr. Allan" ng mga pekeng US$100 at pekeng P500 bill.

Agad na bumuo ng plano ang NBI kung saan isang babaeng ahente ang nagpanggap na buyer at nakipagnegosasyon kay Jimlani upang bumili ng mga pekeng dolyares. Nagkasundo sila sa pagbebenta ng isang pekeng US$100 sa halagang P145 kung saan hiniling ng poseur buyer na bumili ng 30 bundle ng dolyar at isng bundle ng pekeng P500 bill.

Nabatid naman na 10 bundle lang ng pekeng dolyares na aabot sa P5.5 milyon ang katumbas na halaga nang magkita ang dalawa sa isang fastfood joint sa may Malate.

Agad na dinakma ng mga nakaposteng ahente ang suspect matapos ang bentahan. Lumabas naman na positibo ito sa fluorescent powder dahil sa pagtanggap ng marked money.

Ayon kay Lasala, nakapasok na umano sa mga banko ang mga pekeng dolyares base sa inmpormasyon na nakalap nila sa cellphone ng suspect.

Sinasabi ng mga kasamahan nito sa sindikato ang matagumpay na pagpapalit nila sa mga banko at mga money changer dahil sa pagsisingit sa mga pekeng dolyares sa mga tunay.

Inamin naman ni Jimlani na nagbuhat ang mga pekeng pera sa Mindanao kung saan ito ginagawa. Ibinabagsak umano ito sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at ibinebenta sa black market at ipinapapalit sa mga banko. (Danilo Garcia)

BAGHDAD JHUPLI JIMLANI

DANILO GARCIA

DR. ALLAN

FRANCISCO ST.

JIMLANI

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PEKENG

REACTION ARREST AND INTERDICTION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with