^

Metro

Militanteng grupo hindi na palalapitin sa Kongreso

-
Mahigpit nang ipinagbabawal ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang pagrarali ng mga militanteng grupo sa harap ng Kongreso upang maiwasan na maulit ang naganap na karahasan noong Miyerkules.

Ayon kay NCRPO chief Director Vidal Querol, inatasan na niya si QC Police District director Nicasio Radovan Jr. na huwag nang palapitin pa ang mga raliyista upang mapigilan ang pag-iiringan nito at ng mga pulis.

Aminado si Querol na naging madugo ang nangyari noong Miyerkules kung saan tatlong pulis at 23 raliyista ang nasugatan kabilang ang isang 10-anyos na bata makaraang magsagupa ang magkabilang panig.

Sinabi pa ni Querol na pinahihigpitan niya kay Radovan ang mga lugar na pinupuntahan ng mga raliyista. Aniya kailangang magkaroon lamang ng isang lugar ang mga raliyista upang maiwasan ang kaguluhan at huwag madamay ang mga inosenteng sibilyan.

Gayunman, sinabi ni Querol na patuloy nilang ipinatutupad ang maximum tolerance laban sa mga raliyista subalit nanawagan din ang mga ito na huwag udyukan ang mga pulis. (Doris Franche)

AMINADO

ANIYA

DIRECTOR VIDAL QUEROL

DORIS FRANCHE

MIYERKULES

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NICASIO RADOVAN JR.

POLICE DISTRICT

QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with