^

Metro

Gov. Maliksi huli sa car blinker

-
Nahuli ng mga elemento ng PNP-Traffic Management Group (PNP-TMG) sina Cavite Gov. Ireneo Maliksi sanhi ng ilegal na paggamit ng car blinker sa isinagawang operasyon sa Parañaque City nitong Martes ng gabi.

Ayon sa PNP-TMG director Ricardo Quinto ang operasyon ng kanyang mga tauhan ay alinsunod sa mahigpit na "No plate, No Travel" policy campaign ng PNP-TMG.

Nabatid na hinarang ng mga elemento ng PNP-TMG ang convoy ni Maliksi sa kahabaan ng Coastal Road sa tapat ng Coastal Mall matapos na maispatan na may blinker ang Toyota Revo na back-up ng Ford Expedition na sinasakyan ni Gov. Maliksi dakong alas-11:30 ng gabi.

Nangako naman ang gobernador na tatanggalin ang nasabing sirena matapos na ilang minutong pigilin ng PNP-TMG team sa nasabing lugar.

Nabatid pa na sinita rin nila si Cavite City Councilor Joey Albert Fojas dahilan naman sa paggamit ng ilegal na plaka sa kanyang sasakyan at kasunod nito ay tinanggal ng mga operatiba ang ilegal na sirena na nakakabit sa dashboard ng sasakyan ng nasabing lokal na opisyal.

Sinabi naman ni Fojas na hindi umano niya batid na ilegal ang paggamit ng kinumpiskang car plates at sirena.

Alinsunod sa Presidential Decree 96 ang paggamit ng sirena sa mga sasakyan ay pinahihintulutan lamang sa mga matataas na opisyal ng gobyerno. (Joy Cantos)

CAVITE CITY COUNCILOR JOEY ALBERT FOJAS

CAVITE GOV

COASTAL MALL

COASTAL ROAD

FORD EXPEDITION

IRENEO MALIKSI

JOY CANTOS

MALIKSI

NABATID

NO TRAVEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with