^

Metro

Lider ng ‘Agaw-armas/robbery gang’ timbog

-
Nahulog na sa kamay ng mga awtoridad ang lider ng Sonny Hernanie Agaw-Armas/ Robbery Gang makaraang maaresto ito sa isinagawang manhunt operation ng pulisya, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ang suspect na si Sonny Hernanie, alyas Sonny Boy, 33, tubong Maynila at naninirahan sa 35 Block 12, Torcillo St., Landasca, Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon ng maaresto ang suspect sa Dagat-Dagatan, Caloocan City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Vallege ng Metropolitan Trial Court, Branch 52 .

Lumalabas sa rekord ng pulisya na si Sonny ay napapabilang sa listahan ng most wanted person ng pulisya kung saan sangkot ang grupo nito sa serye ng nakawan at pang-aagaw ng armas sa ilang mga security guard sa mga establisimento na kanilang nilolooban.

May pending case din umano ang suspect sa kasong pagpatay sa isang security guard na kanilang inagawan ng armas kamakailan.

Kasalukuyan pang pinaghahanap ng pulisya ang mga kasamahan ni Hernanie na kinabibilangan ng isang alyas Negro at Rommel at tatlo pa katao. (Rose Tamayo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DAGAT-DAGATAN

JUDGE VALLEGE

METROPOLITAN TRIAL COURT

ROBBERY GANG

ROSE TAMAYO

SONNY BOY

SONNY HERNANIE

SONNY HERNANIE AGAW-ARMAS

TORCILLO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with