^

Metro

Acetylene gang sumalakay: P3-M alahas natangay

-
Umaabot sa P3 milyong halaga ng mga alahas ang natangay ng mga miyembro ng ‘Acetylene Gang’ na nanloob sa isang pawnshop at butasin ang vault nito sa Quezon City, kamakalawa.

Ayon sa pulisya, dakong alas-8 kahapon ng umaga nang madiskubre ng mga empleyado ng Emmanuel Pawnshop na pagmamay-ari ni Angelito Gutierrez sa San Mateo Road, Batasan na bukas ang vault na kinalalagyan ng mga alahas.

Sinabi pa ng pulisya na isang grupo ng mga kalalakihan ang umupa sa Patricio Dental Clinic na nasa tabi ng pawnshop noong nakalipas na Agosto 21 at kamakalawa ng gabi tuluyang naisagawa ang pagnanakaw.

Nabatid pa na pinagplanuhang mabuti ang panloloob sa pawnshop kung saan inirekord pa ng mga suspect ang kanilang operasyon.

Ayon pa sa ulat na naghukay ang mga suspect hanggang sa makapasok sa katabing pawnshop at nang makapasok at ginamitan ng acetylene ang vault na doon nakuha ang milyong halaga ng mga alahas.

Nasamsam sa lugar ang dalawang kurtina, acetylene tank, dalawang barena de kabra, pala at tangke ng gasul.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at ang pagtugis sa mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

ACETYLENE GANG

AGOSTO

ANGELITO GUTIERREZ

AYON

DORIS FRANCHE

EMMANUEL PAWNSHOP

PATRICIO DENTAL CLINIC

QUEZON CITY

SAN MATEO ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with