Videoke masaker: 2 patay, 1 sugatan
August 30, 2005 | 12:00am
Dalawa ang nasawi, habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraan silang paulanan ng bala ng baril ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihan na naasar sa mga biktima dahil sa pagiging matakaw sa mikropono at sintunadong pagkanta sa loob ng isang videoke bar sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling-araw.
Nasawi noon din ang mga biktima na nakilalang sina Cristito Busing Jr., 24; at Maarlon Nipay, 27, ng San Guillermo St., Brgy. Bayanan ng nabanggit na lungsod, habang nasa kritikal pa ring kondisyon sa Muntinlupa City Medical Center ang kanilang kasamahang si Michael Marasigan, 21.
Mabilis namang nagsitakas ang tatlong hindi pa nakikilalang mga suspect matapos ang isinagawang pamamaril.
Lumabas sa imbestigasyon ni SPO1 Ricardo T. Gomez, may hawak ng kaso na naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling-araw sa loob ng Strawberry Videoke Bar na matatagpuan sa may National Road ng Brgy. Putatan, Muntinlupa City.
Nabatid na nag-goodtime ang mga biktima sa naturang videoke bar at kasalukuyang umiinom din doon ang mga suspect.
Dahil sa mga lasing na ang mga biktima kung kayat naging makulit na ang mga ito at hindi na umano binitawan ang mikropono at patuloy pa sa pagkanta.
Ayon sa ilang saksi, naasar ang mga suspect na nagbunot ng baril at saka pinaulanan ng bala ng baril ang table ng mga biktima na ikinasawi ng dalawa sa mga ito at ikinasugat ng isa pa.
Matapos ang isinagawang krimen, mabilis na nagsitakas ang mga suspect dala ang ginamit na baril.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa mga salarin. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest