Guardian, 1 pa binaril patay
August 29, 2005 | 12:00am
Isang miyembro ng grupong Guardian na pinaniniwalaang sinalvage ang natagpuan habang isang obrero naman ang binaril ng umanoy pulis sa loob ng kanyang bahay sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Taguig City.
Hindi pa nakikilala ang biktima subalit ito ay tinatayang nasa 25-30 anyos, may taas na 55, nakasuot ng asul na T-shirt at maong na pantalon, may mga tattoo na RMG, M, GLM sa noo at Guardian naman sa kanang braso.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, natagpuan ni barangay tanod Edgardo del Pilar ang bangkay dakong alas-4 ng madaling araw sa panulukan ng Sobriedad at Craig Sts. sa Sampaloc, Maynila.
Ayon kay del Pilar, una siyang nakarinig ng dalawang putok ng baril kung kayat pinaharurot niya ang kanyang motorsiklo hanggang sa makita niyang nakabulagta na ang biktima.
Lumilitaw naman sa imbestigasyon ng SOCO na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa leeg at pigi ang biktima habang nakaposas at may busal ang bibig nito.
May hawak din itong rosaryo na posibleng pinagdasal pa ng mga hindi pa nakikilalang mga suspect.
Samantala, dead on arrival naman si Lorenzo Poloyapoy ng No. 491 Purok 5, Daang Bakal, Brgy. Bagong Tanyag, Taguig matapos na magtamo ng ilang bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Mabilis namang tumakas ang mga suspect na kinabibilangan ng isang pulis at dalawang asset.
Nabatid na tinungo ng mga suspect ang bahay ng biktima upang imbitahan sa presinto subalit tumanggi ang huli na sumama. Dito na pinosasan ng mga suspect ang biktima at pinaputukan ng ilang ulit. (Danilo Garcia at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended