Karambola ng sasakyan: 36 katao sugatan
August 29, 2005 | 12:00am
Umaabot sa 36 na katao na kinabibilangan ng apat na driver ang malubhang nasugatan nang magbanggaan ang dalawang bus at taxi kamakalawa ng gabi sa EDSA, Quezon City.
Ginagamot sa Quezon City General Hospital si Romeo Agbao, 51, driver ng BCB Transport Corp. na nagtamo ng pinsala sa binti habang nilalapatan naman ng lunas sa EAMC sina Charlito Robanos, 34, driver ng Nova Transport; Ronald Tobias, 29 at Reynaldo Saingo, 41 kapwa taxi driver.
Naisugod din sa EAMC ang iba pang mga biktima na nagtamo naman ng galos at bukol sa ulo.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng gabi sa tapat ng Kampo Aguinaldo.
Nasa kalakasan ng ulan nang binabaybay ni Rabanos ang EDSA at biglang nawalan ng preno. Sumalpok ito sa likurang bahagi ng BCB Transport.
Hindi naman napansin ng dalawang taxi ang insidente hanggang sa sumalpok din ang mga ito sa likuran ng Nova Transport bus.
Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries si Rabanos. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest