VP ng factory ng kendi, kritikal sa ambush
August 28, 2005 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang vice president ng pagawaan ng kendi nang tambangan ng apat na kalalakihan kamakalawa sa Pasig City.
Inoobserbahan sa Medical City si Fernando Sy, 59, ng Candy Maker matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan habang mabilis namang tumakas ang hindi pa kilalang mga suspect na sakay ng dalawang motorsiklo.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12 ng tanghali sa harap ng opisina ng biktima sa Brixton St. Brgy. Ugong, Pasig City.
Kapaparada pa lamang ng biktima ng kanyang Toyota Camry na may plakang CAD-198 nang biglang sumulpot ang mga suspect at pinagbabaril ang una.
Hindi na nagawa pang lapitan ng mga suspect ang biktima dahil mabilis ang pagdating ng mga residente sa lugar.
Ayon sa pulisya, holdap at pagpatay ang posibleng motibo ng mga suspect.
Samantala, sugatan din ang isang Indian national matapos na manlaban sa dalawang kalalakihan na tumangay ng kanyang motorsiklo sa Taguig City.
Ginagamot naman ngayon sa Makati Medical Center ang biktimang si Sonu Singh na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas- 11:45 ng tanghali sa Blk. 12 Lot 13 EP Village, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.
Naningil lamang ang biktima nang makita nitong tinatangay ng dalawang suspect ang kanyang motor. Nanlaban ang biktima subalit pinagbabaril naman ito ng mga suspect. (Edwin Balasa at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended