Babae sinalvage sa QC

Isang bangkay ng babae na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuang nakasilid sa itim na garbage bag kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kasalukuyang nakalagak ngayon sa Prudential Funeral Homes ang biktima na tinatayang nasa edad na 40-45, katamtaman ang pangangatawan, maikli ang buhok at nakasuot ng pulang t-shirt at khaki pants.

Sa ulat ni PO3 Romeo Tandas ng QCPD-CID, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima sa underpass ng Quezon Avenue sa kanto ng Agham Road.

Napag-alaman na napansin ng motoristang si Rolly Gallardo ang black garbage bag na agad nilang tinungo kasama ang ilang barangay tanod.

Dito ay nakita nila ang babae na may mga saksak sa katawan.

Hinihinala naman ng pulisya na posibleng may kinalaman sa droga ang pamamaslang dahil nakuha ang isang plastic sachet sa bulsa nito. (Doris Franche)

Show comments