^

Metro

Lover, 1 pa suspect sa pagpatay sa staff ni Korina

-
Isang malawakang manhunt operation ngayon ang isinasagawa ng mga tauhan ng Quezon City Police District- Criminal Investigation Division (QCPD-CID) laban sa dalawang kalalakihan kung saan isa rito umano ay lover ng staff ni Korina Sanchez sa programang Rated K na si Larry Estandarte na pinatay matapos pagnakawan sa kanyang bahay sa #29 E. Ramos St. Brgy. Krus na Ligas, Quezon City.

Ayon kay QCPD-CID chief, Sr. Supt. Popoy Lipana, isang kuwintas ang nakita sa crime scene na posibleng pagmamay-ari ng isa sa mga suspect. Hindi umano pamilyar sa mga kaibigan at katrabaho ang nasabing kuwintas.

Batay sa pahayag ng ilang saksi, dalawang lalaki ang kanilang napansin na nagtungo sa bahay ng biktima noong Martes ng gabi.

Nakarinig sila ng tahol ng mga aso at kalabog subalit hindi umano nila ito pinansin sa paniniwalang nagkakasayahan lamang ang mga ito.

Nakatitiyak naman ang pulisya na kilala ng biktima ang suspect dahil walang anumang bakas ng forcible entry sa inuupahang bahay nito.

Nawawala ang dalawang cellphone ng biktima at pera na pinaniniwalaang tinangay ng mga suspect.

Ayon naman sa QC Crime Lab, nakuhanan din ng fingerprints ang biktima sa kabila ng nabubulok nang katawan nito.

Posible rin umanong malaki ang galit ng mga suspect sa biktima dahil sa tinamo nitong 11 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Doris Franche)

AYON

CRIME LAB

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DORIS FRANCHE

KORINA SANCHEZ

LARRY ESTANDARTE

POPOY LIPANA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with