Asawa ni Eddie Gil inaresto
August 27, 2005 | 12:00am
Inaresto ng mga awtoridad ang asawa ni Eddie Gil, habang nabigo namang maaresto ang dating presidentiable dahil na rin sa wala ito sa bansa kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Ang pag-aresto kay Erlinda Gil ay base na rin sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Jocellyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court laban sa mag-asawang Gil dahil sa kasong Falsification of Public Document at Violation of Sec. 12 of PD 6732. Nilagdaan ang warrant of arrest noong Agosto 18.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng mag-asawa.
Kamakalawa ng hapon nang i-serve ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Warrant and Subpoena Division (QCPD-W&S) ang warrant sa bahay ng mga Gil sa Lot 36 Blk. 30 Burbank St., North Fairview, 1121 Quezon.
Inabutan lamang ng mga awtoridad si Erlinda subalit wala ang dating presidentiable dahil sa nasa labas ito ng bansa. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended