Staff ni Korina kinatay
August 27, 2005 | 12:00am
Isang researcher ng programang Rated K ang natagpuang patay at tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Nagtamo ng 11 saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Larry Estandarte, 27, tubong Pila, Laguna at residente ng 29 E. Ramos St., Brgy Krus na Ligas, Quezon City.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito.
Ilang construction workers ang naka-amoy ng masangsang na nagmumula sa bahay ng biktima. Halos naaagnas na ang bangkay nito ng matagpuan at tinatayang tatlong araw ng patay.
Ayon naman kay Francisco Ramos, landlord ng biktima, may 10 taon nang naninirahan ang biktima sa kanya simula nang mag-aral ito sa UP. Dati rin itong naging staff ng Hoy! Gising!
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pagnanakaw ang motibo sa pagpaslang dahil sa nawawala rin ang ilang personal na gamit nito kabilang na ang cellphone.
Malaki ang paniwala ng pulisya na kilala ng biktima ang suspect dahil walang anumang palatandaan na puwersahang binuksan ang bahay nito.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended