5 nakulong sa bumagsak na elevator
August 26, 2005 | 12:00am
Dumausdos ng anim na palapag ang elevator na kinalululanan ng limang pasahero matapos na magkaroon ng mechanical problem, kahapon ng umaga sa Pasig City.
Wala namang nasugatan bukod sa nerbiyos at pagkakakulong ng may labinlimang minuto ng mga biktima na ang dalawa ay nakilalang sina Isagani Torres, 29, software developer at Lorna Constante, 27.
Ayon kay Mario Senizal, Property Manager ng One San Miguel Building na matatagpuan sa One San Miguel Avenue Ortigas Center Brgy. San Antonio ng nabanggit na lungsod na naganap ang insidente dakong alas-6:20 ng umaga ng sumakay ang limang empleyado sa elevator 5 ng nasabing gusali sa lower ground floor paakyat sa 47th floor.
Subalit imbes na tumaas ang nasabing elevator ay dumausdos ito pababa hanggang sa lower ground level 7 kung saan nakulong ang mga lulan nito sa loob ng may 15 minuto.
Napag-alaman pa kay Senizal na ang pagdausdos pababa ng nasabing elevator ay hindi tuloy-tuloy dahil may ikinabit silang safety measures na floor by floor ang pagbagsak upang kung may mangyaring aberya na tulad nito ay walang masaktan.
Napag-alaman na halos 2,000 katao ang nagtatrabaho sa nasabing gusali na ang karamihan ay mga empleyado ng call centers. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended