^

Metro

Kuya binoga ni bunso

-
Sabog ang mukha at katawan ng isang technician matapos na barilin ng sumpak ng bunsong kapatid dahil lamang sa hiniram na suplete o panghinang sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si William Velasco, 44, ng No. 004 Empire Hilltop, Brgy. Payatas-B ng nabanggit na lungsod, habang mabilis namang tumakas ang utol nitong suspect na si Roberto, 42.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa loob ng tahanan ng biktima.

Sinita umano ng biktima ang bunsong kapatid tungkol sa hindi pagbabalik ng hiniram na panghinang.

Minasama at ikinagalit ng suspect ang pagsita ng kapatid hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo. Biglang inilabas ng suspect ang dalang sumpak pinaputok ng tatlong ulit sa kanyang kuya na naging dahilan ng kamatayan ng huli.

Isang manhunt operation na ang inilunsad ng pulisya laban sa tumakas na suspect. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BIGLANG

BRGY

DORIS FRANCHE

EMPIRE HILLTOP

ISANG

MINASAMA

NAMATAY

QUEZON CITY

WILLIAM VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with