^

Metro

‘Hospital watch’ sa dengue idineklara ng DOH

-
Dahilan sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue, nagdeklara ng "hospital watch" ang Department of Health (DOH) upang mabantayan ang mga pabayang ospital.

Sinabi ni Dr. Enrico Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC) na masusi nilang tututukan ang mga ospital na tumatanggap ng mga dengue patient upang mabatid kung sapat ang ginagawang panggagamot sa mga ito.

Mag-iikot umano ang isang team mula sa DOH upang ma-monitor kung sapat ang panggagamot ng mga ospital at nabibigyan ng kaukulang pangangalaga ang mga dengue patients lalo na ang suplay ng dugo.

Ang hakbang ng DOH ay bunsod sa pagrereklamo ng pamilyang Hermosura sa ginawang pagpapabaya ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na dahilan ng pagkamatay ng kanilang 2-taong gulang na anak na si Gerald Vincent.

Sinabi ni Dr. Tayag na dapat mas bigyan ng atensiyong medikal ang mga isinusugod sa emergency room lalo na sa mga isinusugod na dengue victims at hindi ito dapat humingi ng anumang deposito ang mga ospital maging ito man ay gobyerno o pribado.

Iginiit nito na lubhang nakakabahala ang pag-akyat na muli ng kaso ng dengue dahil umabot na sa 197 ang namamatay dito at mahigit 14,987 kaso ng dengue ang naitala ngayon sa loob lamang ng dalawang linggo.

Pinangangambahan ni Dr. Tayag na maaaring umabot sa 2,000 kaso ang naitala bago pa man matapos ang buwan ng Agosto.

Kaugnay nito, bigo pa ring makakuha ng medical certificate ang pamilya Hermosura sa PCMC dahil humihingi ng P17,000 ang ospital bago isyuhan sila ng sertipiko. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ENRICO TAYAG

DR. TAYAG

GEMMA AMARGO-GARCIA

GERALD VINCENT

HERMOSURA

MEDICAL CENTER

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

PHILIPPINE CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with