Shootout: Resto gang member dedo
August 25, 2005 | 12:00am
Isang miyembro ng kilabot na Resto Gang ang nasawi makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) habang nakatakas naman ang isa pang kasama nito, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.
Dead-on the-spot ang suspect na si Emmanuel Firmacion, residente ng Pio Valenzuela, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang kasama nito na agad na nakatakas.
Narekober naman ng mga awtoridad mula sa suspect ang isang kalibre .45 baril, mga bala at tatlong cellphone at mga IDs na pinaniniwalaang buhat sa kanilang mga nabiktima.
Batay sa ulat, naganap ang shootout dakong alas-11:20 ng gabi nang mamataan ng mga nagpapatrulyang pulis ang kahina-hinalang kilos ng mga suspect na kapwa lulan ng Yamaha motorcycle. Nakita ng mga pulis na hinihintay ng mga suspect ang mga kliyenteng nagwi-withdraw sa ATM ng Bank of Commerce sa Roosevelt Avenue.
Isa sa mga suspect ang nakakita sa paparating na pulis kung kayat agad na bumaba ng motorsiklo si Firmacion at agad na sinalubong ng putok ng baril ang mga awtoridad. Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa tamaan at mapatay ang suspect, nakatakas naman ang kasamahan nito.
Nabatid pa na si Petrasanta ay responsable sa panghoholdap sa ilang mga establisimento sa lungsod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended