Ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco, ang pagsalakay sa isang tahanan na matatagpuan sa 3030 Sta. Susana St., Brgy. C.M Recto, Lourdes, Angeles City at sa Nilds Internet Cafe sa Malabanas, Angeles City ay kaugnay ng walang humpay na kampanya ng pamahalaan laban sa cybersex.
Nag-ugat ang pagsalakay matapos na makatanggap ng impormasyon ang NBI Anti Fraud and Computer Crimes Division ukol sa ilegal na operasyon ng mga nasabing internet porno sites sa Angeles City.
Sa isinagawang pagsalakay, napatunayan na may nagaganap na internet pornography sa mga nabanggit na mga lugar na ang ginagamit ay mga kabataang kababaihan.
Sinabi ni Wycoco na ipagpapatuloy nila ang kanilang kampanya laban sa cybersex hanggang sa tuluyan nang matigil ang nasabing gawain. (Ulat ni Danilo Garcia)