^

Metro

Porno sites sa Angeles, sinalakay ng NBI

-
Dalawang internet porno sites ang sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Angeles City na nagresulta sa pagkakakumpiska ng maraming cyber porno materials at mga gadgets.

Ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco, ang pagsalakay sa isang tahanan na matatagpuan sa 3030 Sta. Susana St., Brgy. C.M Recto, Lourdes, Angeles City at sa Nild’s Internet Cafe sa Malabanas, Angeles City ay kaugnay ng walang humpay na kampanya ng pamahalaan laban sa cybersex.

Nag-ugat ang pagsalakay matapos na makatanggap ng impormasyon ang NBI Anti Fraud and Computer Crimes Division ukol sa ilegal na operasyon ng mga nasabing internet porno sites sa Angeles City.

Sa isinagawang pagsalakay, napatunayan na may nagaganap na internet pornography sa mga nabanggit na mga lugar na ang ginagamit ay mga kabataang kababaihan.

Sinabi ni Wycoco na ipagpapatuloy nila ang kanilang kampanya laban sa cybersex hanggang sa tuluyan nang matigil ang nasabing gawain. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANGELES CITY

ANTI FRAUD AND COMPUTER CRIMES DIVISION

AYON

BRGY

DANILO GARCIA

INTERNET CAFE

M RECTO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REYNALDO WYCOCO

SUSANA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with