^

Metro

Condo ng OFW, pinasok; P1.5-M tinangay

-
Isang jeepney driver ang kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya matapos na ito umano ang sinasabing isa sa mga pumasok sa condominium ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) at tumangay ng mga alahas at pera kamakalawa ng umaga sa Quezon City.

Kinuhanan na rin ng fingerprints ng Scene of the Crime Operation (SOCO) sa pamumuno ni Chief Insp. Filipinas Papa ang suspect na si Antonio Chao ng 168 Kamias Road Ext. Quezon City.

Ayon kay Papa, nadiskubre ang pagnanakaw sa #18 Langka St. Proj. 2, Q.C. dakong alas-8 ng umaga. Maniningil umano si Sherwin Almarines, bayaw ng OFW na si Nasser Tan, 37 ng renta ng mapansin niyang distrungkado ang lock ng bahay ng huli. Si Tan ay kasalukuyang nasa Jeddah, Saudi Arabia.

Sinabi ni Papa na posibleng may kinalaman si Chao sa nakawan dahil tukoy ang kinalalagyan ng vault na naglalaman ng pera na nagkakahalaga ng $2,000 at alahas na umaabot sa P1.5 milyon. Ipinagmamalaki din nito na siya mismo ang nagkabit ng mga vault sa bahay ni Tan. Hindi rin umano kinakitaan ng gulo ang bahay. (Doris Franche)

vuukle comment

ANTONIO CHAO

CHIEF INSP

DORIS FRANCHE

FILIPINAS PAPA

KAMIAS ROAD EXT

LANGKA ST. PROJ

NASSER TAN

OVERSEAS FILIPINO WORKER

QUEZON CITY

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with