^

Metro

Trigger-happy, utas sa shootout; 1 pa sugatan

-
Isa ang patay samantalang isa naman ang nasugatan matapos na makipagbarilan sa mga pulis ang mga trigger happy na ikinadakip din ng isa pa kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Dead-on-the spot si Jonathan Poquis, 30 ng 1711 La Loma St. Area D, Camarin ng naturang lungsod habang ginagamot naman sa EAMC si Glenn Malasarte. Arestado naman si Darwin Dagaas, 28 ng No. 169 Sauyo Road, Novaliches, Q.C.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang barilan sa La Loma St. nang walang habas na nagpaputok ng baril ang tatlong suspect.

Agad na humingi ng tulong si Efren Perdigon sa pulisya upang patigilan ang mga "trigger happy."

Subalit hindi pa man nakakalapit ang mga pulis ay agad na silang pinaputukan ng mga suspect dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis .

Matapos ang palitan ng putok ay nakitang nakabulagta si Poquis habang sugatan si Malasarte. Sumuko naman si Dagaas sa pulisya. (Rose Tamayo)

vuukle comment

ARESTADO

CALOOCAN CITY

DARWIN DAGAAS

EFREN PERDIGON

GLENN MALASARTE

JONATHAN POQUIS

LA LOMA ST.

LA LOMA ST. AREA D

ROSE TAMAYO

SAUYO ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with