^

Metro

Shootout sa Coastal: 1 dedo, 2 sugatan

-
Isa ang nasawi, samantalang dalawa ang sugatan kabilang ang isang pulis-Quezon City makaraang makipagbarilan ang mga ito sa mga kagawad ng Philippine Estate Authority Corp. (PEAC) dahil hindi nagbayad ang una ng toll fee na naganap kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Coastal Road, Las Piñas City.

Nasawi noon din ang biktimang si Edwin Bacornay, 33, ng Jade Homes Compound, Armstrong Ave., Pasay City. Nagtamo ito ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nilalapatan naman ng lunas sa St. Dominic Hospital, Bacoor, Cavite ang kasama nitong si PO3 Alpeo Talam, 44, nakatalaga sa Holding Group Unit ng Central Police District at naninirahan sa Adas Village, Bacoor, Cavite.

Ginagamot din sa nabanggit na ospital si PEACT Marshal Jeremias Autida, 27, ng Longos, Bacoor, Cavite, sanhi rin ng tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa kahabaan ng Coastal Road, Las Piñas City.

Minamaneho ni Bacornay ang isang motorsiklo at angkas nito si PO3 Talam nang makarating na sila sa toll gate. Sa halip na magbayad ang mga ito ng toll fee, hinagis na lamang ng mga ito ang P20 bill at mabilis na pinaharurot ang kanilang motorsiklo.

Iniradyo ng cashier ang insidente sa grupo ng PEAC marshals hanggang sa hinabol ng mga ito sina Bacornay at PO3 Talam.

Dito na nagsimula ang pagpapalitan ng putok mula sa dalawa at grupo ng PEAC marshals. Nagresulta ito sa agarang kamatayan ni Bacornay at malubhang pagkasugat nina PO3 Talam at Autida. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ADAS VILLAGE

ALPEO TALAM

ARMSTRONG AVE

BACOOR

BACORNAY

CAVITE

CENTRAL POLICE DISTRICT

COASTAL ROAD

LAS PI

TALAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->