^

Metro

Pulis pinakain ng patch ng hepe

-
Kinondena ng Manila’s Finest Brotherhood Association ang ginawang pagpapakain umano ng patch sa isang pulis-trapiko ng hepe ng Traffic Enforcement Group (TEG) dahil sa hindi pagsunod sa bagong kautusan.

Tinuligsa ng Manila’s Finest ang umano’y pagmamalabis sa awtoridad ni Sr. Supt. Philmore Balmaceda nang isubo nito sa harap ng ibang mga pulis-trapiko ang lumang patch ng TEG kay SPO1 Alberto Ignacio, miyembro ng Southern Police District-Traffic Accident Investigator ng Pasay City.

Sa dokumentong inilabas ni SPO2 Antonio Emmanuel, pangulo ng Manila’s Finest, naganap ang insidente nitong Agosto 15 sa Flag-Raising Ceremony sa Metropolitan Manila Development Authority compound sa Orense, Guadalupe, Makati City.

Nagtungo umano sa stage si Balmaceda kung saan inihayag ang implementasyon ng pagsusuot ng bagong MMDA-TEG patch base sa pag-apruba ng PNP at nagbabala na paparusahan ang hindi susunod.

Napansin nito si Ignacio na pinatungan ng lumang patch ng TEG ang bagong MMDA-TEG patch at pinaakyat ito sa stage. Dito tinanggal ni Balmaceda ang nakapatong na patch gamit ang isang cutter at saka isinubo kay Ignacio.

Labis na kahihiyan umano ang inabot ni Ignacio dahil sa aksyon ni Balmaceda kung saan kaharap ang ibang mga pulis-trapiko buhat sa mga distrito ng Metro Manila.

Hiniling ni Emmanuel sa National Police Commission at PNP-Internal Affairs Service na imbestigahan ang naturang insidente. Inaasahan umano nila na mapaparusahan si Balmaceda dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan nito.

Patuloy namang tinuligsa ni Emmanuel ang bagong patch na umano’y magiging ka-level na lamang nila ang mga enforcer ng MMDA. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALBERTO IGNACIO

ANTONIO EMMANUEL

BALMACEDA

DANILO GARCIA

EMMANUEL

FINEST BROTHERHOOD ASSOCIATION

FLAG-RAISING CEREMONY

IGNACIO

INTERNAL AFFAIRS SERVICE

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with