^

Metro

‘Tulak’ ng Ecstasy, timbog

-
Isang pinaghihinalaang bigtime supplier ng droga partikular ang Ecstasy pills sa mga anak ng mga prominenteng pamilya at sa ilang artista ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust-operation sa isang condominium sa San Juan.

Kinilala ni PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force chief Deputy Director Gen. Ricardo de Leon ang nasakoteng suspect na si Patrick John Adajar, alyas Pee Jay.

Nasamsam sa suspect ang 79 piraso ng Ecstasy pills na tumitimbang ng 25 gramo at nagkakahalaga ng P79,000.

Sinabi ni de Leon na ang suspect ay nasakote ng kanyang mga tauhan sa pamumuno ni Supt. Arnold Aguilar sa buy-bust operation pasado alas-10 ng gabi noong Huwebes sa Casa Barcelona, Unit 903 na matatagpuan sa N. Domingo St., San Juan, Metro Manila.

Ayon kay de Leon, dinakip ang suspect sa aktong iniaabot ang limang tableta ng Ecstasy pills sa posuer buyer kapalit ng halagang P5,000.

Nabatid na matagal nang isinasailalim sa surveillance operations ng mga awtoridad ang suspect na siya umanong nagsu-supply ng droga sa mga anak ng mayayamang pamilya at sa ilang artista. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARNOLD AGUILAR

CASA BARCELONA

DEPUTY DIRECTOR GEN

DOMINGO ST.

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

JOY CANTOS

METRO MANILA

PATRICK JOHN ADAJAR

PEE JAY

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with