P1M natangay sa Tsinoy trader
August 19, 2005 | 12:00am
Muling nalusutan ng mga holdaper ang ipinatutupad na "police visibility" ng Manila Police District sa Chinatown nang tangayin ng dalawang armadong suspect ang P1 milyong salapi na dala ng isang Filipino-Chinese trader, kamakalawa ng umaga sa Binondo, Manila.
Nabatid na pilit na itinatago ng MPD Station 11 sa mga mamamahayag ang naturang insidente ngunit nagawang makuha ang pangalan ng biktima na si Mildred Yagas, ng San Leonardo St., Sta. Cuz at isa umanong mag-aalahas.
Sa inisyal na impormasyon, nabatid na naganap ang panghoholdap dakong alas-10:45 ng umaga sa panulukan ng Soler at Benavides St., Binondo.
Sakay ng isang scooter ang biktima habang nakaangkas ang isa pang hindi nakilalang lalaki nang harangin ng dalawang lalaking suspect na lulan naman ng isang "big bike". Tinutukan ng baril ng angkas na lalaki ang mga biktima at puwersahang tinangay ang dala nilang envelope na naglalaman ng naturang halaga ng salapi.
Nabatid na kalalabas pa lamang ng mga biktima buhat sa Equitable Bank sa Binondo at papauwi na nang harangin ng mga suspect.
Posible umanong matagal nang minamanmanan ng mga suspect ang aktibidades ng mga biktima o kaya naman ay may nagbigay sa kanila ng impormasyon sa pagdadala ng mga ito ng malaking halaga kaya naisaplano ang panghoholdap. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended