^

Metro

Ina ginulpi ng 3 anak

-
Tatlong magkakapatid ang inaresto ng Quezon City Police District matapos nilang pagtulungang gulpihin at pagbantaan ang buhay ng kanilang sariling ina sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Pasa at galos sa katawan ang tinamo ng inang biktima na nakilalang si Lenabelle Planas, ng Pechayan Kanan, Brgy. North Fairview, Quezon City mula sa mga anak na sina Anacito,30; Wilfredo, 25, at Alex, 22, kasama pa ang kaibigan nilang si Jojo Lleabres.

Sa salaysay ng biktima kay SPO1 Emmanuel Solomon ng QCPD-Fairview Station 5, bandang alas-7 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa kanilang bahay.

Ayon sa salaysay ng ginang, lagi umano niyang napagsasabihan ang kanyang mga anak dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iba’t ibang bisyo. Subalit inakusahan siya ng mga anak na bulagsak sa bahay at kung kani-kaninong lalaki nahuhumaling.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bigla na lamang umano siyang pinagsusuntok ng mga anak at sumabay pa sa pananakit ang kaibigan ng mga ito na si Lleabres.

Sa kabila ng nadaramang sakit sa katawan, pilit pa ring nagtungo sa presinto ang ginang at inireport ang nasabing insidente. May hinala ang pulisya na lango sa alak at ipinagbabawal na gamot ang mga suspect. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

EMMANUEL SOLOMON

FAIRVIEW STATION

JOJO LLEABRES

LENABELLE PLANAS

NORTH FAIRVIEW

PECHAYAN KANAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with