Sawa natagpuan sa QC
August 18, 2005 | 12:00am
Umaabot sa siyam na talampakan ang sawang natagpuan ng mga residente sa isang creek sa Quezon City kahapon ng umaga.
Dakong alas-6:30 ng umaga nang mamataan ng mga residente ang gumagalang dambuhalang python sa creek sa Katuray St., Brgy. Roxas, Quezon City.
Ayon kay Ronnie Farrando, residente ng lugar, kasalukuyan umano siyang naglalakad sa tabi ng creek di-kalayuan sa barangay hall sa nasabing lugar nang mapuna ang malaking sawa patungo sa kanya.
Agad nagtungo sa barangay hall si Farrando upang ipagbigay-alam ang pagkakatagpo sa sawa kung saan agad itong sinako ng mga barangay tanod.
Dinala noon din sa Department of Environment and Natural Resources ang nahuling sawa para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended