^

Metro

Iniwan ni misis driver nagbigti

-
Makaraang dibdibin ang umano’y pag-iwan ng kanyang misis, isang driver ang natagpuang nakabigti kahapon ng umaga sa Quezon City.

Halos naaagnas na at lumobo na ang katawan ng biktimang si Raulito Viado, 42, empleyado ng MRT Supply Division, tubong Indang, Cavite at residente ng 58 Kaliraya St., Brgy. Tatalon ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-9 ng umaga kahapon nang matagpuan ang biktima na nakatali ng nylon at nakabitin sa ilalim ng hagdan ng kanyang bahay.

Masangsang na amoy ang naging dahilan upang matuklasan ang bangkay ng biktima na pinaniniwalaang tatlong araw nang patay.

Iginiit ng pulisya na isang linggo na ang nakakaraan ng mag-away ang biktima at misis nito nang mahuli ng huli ang una na may ibang babae. Dahil dito, iniwan ni misis ang biktima.

Nabatid pa sa pulisya na may 27 messages at 13 missed call sa cellphone ang biktima na hindi na nito nabasa o nasagot pa.

Hindi anya magaganda ang messages na tinanggap ng nasawi at wala rin sa phonebook nito ang mga numerong ginamit. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BRGY

CAVITE

DAHIL

DORIS FRANCHE

IGINIIT

KALIRAYA ST.

QUEZON CITY

RAULITO VIADO

SUPPLY DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with