Ang naaresto ay si Cesar Suarez, 48, tubong-Samar, lider ng Landasca Urban Poor Group at residente ng Sawata, Landasca, Maypajo, ng nasabing lungsod. Ang suspect ay may standing warrant of arrest dahil sa mga kasong murder at robbery in band na ipinalabas ni Hon. Judge Oscar Barrientos ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 127.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maaresto ang suspect malapit sa bahay nito.
Nabatid na nakatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa pagkakita sa suspect habang nakikipagpulong sa civic group sa kanilang lugar. Agad na nagsagawa ng operasyon ang awtoridad at nang matapos ang pagpupulong ay agad na inihain ang warrant of arrest sa suspect.
Si Suarez ang itinurong bumaril at nakapatay sa kanyang kapitbahay na si Benita Mendoza, 36, noong 1993 at suspect din sa Ang Pawnshop at nakatangay ng P500,000. (Ulat ni Rose Tamayo)