^

Metro

Most wanted sa Caloocan, timbog

-
Matapos ang mahigit sa isang dekada na pagtatago sa batas, nahulog sa kamay ng batas ang isang lalaking No. 1 most wanted sa Caloocan City matapos itong maaresto sa isang pulong, kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Ang naaresto ay si Cesar Suarez, 48, tubong-Samar, lider ng Landasca Urban Poor Group at residente ng Sawata, Landasca, Maypajo, ng nasabing lungsod. Ang suspect ay may standing warrant of arrest dahil sa mga kasong murder at robbery in band na ipinalabas ni Hon. Judge Oscar Barrientos ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 127.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maaresto ang suspect malapit sa bahay nito.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa pagkakita sa suspect habang nakikipagpulong sa civic group sa kanilang lugar. Agad na nagsagawa ng operasyon ang awtoridad at nang matapos ang pagpupulong ay agad na inihain ang warrant of arrest sa suspect.

Si Suarez ang itinurong bumaril at nakapatay sa kanyang kapitbahay na si Benita Mendoza, 36, noong 1993 at suspect din sa Ang Pawnshop at nakatangay ng P500,000. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANG PAWNSHOP

BATAY

BENITA MENDOZA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CESAR SUAREZ

JUDGE OSCAR BARRIENTOS

LANDASCA URBAN POOR GROUP

ROSE TAMAYO

SI SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with