6 tauhan ng MMDA, huli sa mga pekeng plates
August 13, 2005 | 12:00am
Sa kabila ng kampanya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga illegal commemorative plates at patuloy na paghuli sa mga motoristang gumagamit nito, anim naman sa kanilang tauhan ang nadakip matapos maaktuhan na nagbebenta ng mga pekeng "MMDA On The Road" car plates.
Kinilala ang mga suspect na sina Roy Laurente, lecturer ng MMDAs Traffic Educational Information Division; Adrian Betcer; Evan Cutamora; Jeffrey Saulda; Florencio Dolarte, pawang mga traffic enforcer at Federico Credito, ng Road Emergency Group.
Nabatid na nadakip ang mga suspect ng MMDA Security Investigation Office matapos makatanggap sila ng report na talamak umano ang bentahan ng mga pekeng MMDA On The Road" plates kung saan ilang kawani nito ang sangkot.
Nabatid kay SIO Head Chief Inspector Ely Pintang, hindi naman maipaliwanag ng mga nadakip na kawani kung saan nila kinukuha ang nasabing mga pekeng commemorative plates ng MMDA.
Napag-alaman na ang mga nabanggit na mge pekeng MMDA commemorative plates ay ibinebenta ng mga suspect sa halagang P250 bawat isa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended