^

Metro

Salvage victim, sinemento sa loob ng drum

-
Isang katawan ng hindi nakikilalang lalaki na biktima ng "summary execution" na nakasilid sa loob ng isang metal drum at puno ng pinatigas na semento ang natagpuan sa isang palaisdaan, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa pagitan ng edad 30-35, may taas na anim na talampakan, may maskuladong pangangatawan, maputi at nakasuot lamang ng puting brief.

Base sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, dakong alas-6 ng umaga nang matuklasan ang drum na nakalubog sa isang palaisdaan sa may kahabaan ng Kagitingan Extension, Brgy. Muzon, nasabing lungsod.

Ayon sa salaysay ng mangingisdang si Jesus Mapundon, 28, kasalukuyan itong naglalakad sa naturang lugar nang pumukaw sa kanyang pansin ang mga patay na isda na naglulutangan sa nasabing palaisdaan.

Dito ay mabilis na lumusong ang mangingisda at natunton ang isang drum kung saan agad niya itong iniahon sa pamamagitan ng pagpapagulong patungo sa pampang.

Nang tuluyang maiahon ay napansin nito ang dugong tumutulo mula sa nasabing sisidlan bukod pa sa masansang na amoy na nanggagaling dito kung kaya’t agad nang nagtungo sa kanilang barangay hall upang ipabatid ang natuklasan na siya namang itinawag sa himpilan ng pulisya.

Sa pahayag ng mga elemento ng Northern Police District Office-Scene of the Crime Operation (NPDO-SOCO), kinailangan pa nilang gumamit ng jack hammer upang tuluyang mailabas ang bangkay sa loob ng drum dahil sa sobrang tigas ng pagkakasemento sa katawan ng biktima.

Nabatid pa sa SOCO na mahigit sa isang linggo nang nakalubog sa nasabing palaisdaan ang biktima dahil nang ito ay tuluyang matanggal sa pagkakasemento ay halos magkahiwa-hiwalay na ang mga parte ng katawan nito.

Ang metal drum na pinaglagyan sa biktima ay may taas na apat na talampakan at tatak na Ace Roller, Manila, Philippines kaya’t kinailangan pang paupuin ang lalaki sa loob bago buhusan ng semento.

Hindi naman matukoy ng mga tauhan ng SOCO hanggang sa kasalukuyan kung may saksak o iba pang pinsala ang katawan ng biktima dahil sa halos nasa "decomposing state" na ito.

Hanggang sa kasalukuyan naman ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at maging ang may kagagawan sa karumal-dumal na pagpatay dito. (Ulat ni Rose Tamayo)

ACE ROLLER

AYON

BIKTIMA

JESUS MAPUNDON

KAGITINGAN EXTENSION

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NORTHERN POLICE DISTRICT OFFICE-SCENE OF THE CRIME OPERATION

ROSE TAMAYO

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with