^

Metro

Dahil sa Zambo bombing: PNP inalerto sa Metro

-
Sa pangambang makaabot sa Metro Manila ang nangyaring pagpapasabog sa Zamboanga City na ikinasugat ng 26 katao, itinaas kahapon ng PNP sa ‘heightened alert’ ang kanilang status upang makaiwas sa posibleng panganib ng terorismo.

Ayon kay NCRPO director Chief Supt. Vidal Querol na marami pang mga pulis ang kanilang ipapakalat sa mga shopping malls at iba pang mga matataong establisimento.

Gayundin sa mga istasyon ng MRT. LRT at iba pang itinuturing ngang mga ‘soft targets’ ng terror attack.

Kasunod nito ay inihayag rin ni PNP Spokesman Chief Supt. Leopoldo Bataoil na maging sa mga kanugnog na lugar ng Metro Manila sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ay itinaas rin nila ang alert status.

Nanawagan rin ang mga opisyal ng PNP sa publiko na maging mapagbantay at agad na ireport sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang pagkilos ng mga posibleng terorista.

Nabatid na ilang JI at ASG elements ang patuloy na tinutugis ng mga awtoridad dahilan sa bantang pambobomba ng naturang grupo.

Samantalang pinalakas na rin ang ‘intelligence gathering’ ng PNP at AFP para masupil ang banta ng mga elementong terorista. (Joy Cantos)

AYON

BATANGAS

CHIEF SUPT

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

METRO MANILA

SPOKESMAN CHIEF SUPT

VIDAL QUEROL

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with