^

Metro

Lola kinatay, sinilaban ng ‘Akyat-bahay gang’

-
Pinatay muna sa saksak bago binalot ng mga damit at saka sinilaban ang isang 65-anyos na lola ng apat na kalalakihan na hinihinalang miyembro ng ‘Akyat-Bahay Gang’ na nanloob sa una, kamakalawa sa Las Piñas City.

Nakilala ang biktima na si Norberta Adonis, 65, na nagtamo ng maraming saksak at mga paso sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang nakatakas ang mga suspect matapos ang isinagawang brutal na pagpaslang at pagnanakaw sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima sa Block 13 Lot 13 General Aguinaldo St., Soldiers Hills 2, Brgy. Almanza Uno ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na nilooban ang biktima na nagkataon na nag-iisa sa loob ng bahay.

Nabatid na pinagtulungang saksakin ng mga suspect ang biktima hanggang sa balutin ng mga ito ng damit ang bangkay ng matanda at saka sinilaban.

Pagkatapos ay mabilis na nagsitakas dala ang mga nakulimbat sa bahay.

Napansin naman ng ilang kapitbahay na nasusunog ang bahay ng biktima at nakita nga nila ang apat na kalalakihan kung kaya’t agad silang humingi ng tulong.

Pinasok ang bahay at doon nakitang nasusunog na ang damit na pinagbalutan sa biktima kung kaya pinagtulung-tulungan itong apulain.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya ukol dito. (Lordeth Bonilla)

AKYAT-BAHAY GANG

ALMANZA UNO

BIKTIMA

CITY POLICE

GENERAL AGUINALDO ST.

LAS PI

LORDETH BONILLA

NABATID

NORBERTA ADONIS

SOLDIERS HILLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with