Most wanted sa Caloocan, timbog

Bumagsak sa kamay ng Caloocan City police warrant section ang isa sa itinuturing na most wanted sa lungsod sangkot sa pagpatay at pagnanakawa.

Nakilala ang naaresto na si Rommel Ligoyligoy .

Sa ulat ng North Warrant Section, si Ligoyligoy ay nahaharap sa mga kasong double murder sa mga sala nina Judge Thelma Canlas at Judge Trinidad Pe Aguirre; frustrated murder sa ilalim ng sala ni Judge Oscar Barrientos at robbery naman sa sala ni Judge Jose Paneda ng Regional Trial Court Branch 220 sa Quezon City.

Nabatid na unang naaresto ang tatay at kapatid ni Ligoyligoy na sina Roel at Rodolfo matapos mapatay sina Mary Jane Paonil at Teresita Prilla, habang sugatang iniwan naman ang isang Leonila Paonil, 50 nang pasukin at pagnakawan ng mag-aama. (Rose Tamayo)

Show comments