^

Metro

28 arestado sa ilegal na pasugalan

-
Dalawampu’t walo katao ang inaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group matapos suyurin ang mga ilegal na pasugalan sa Maynila.

Ayon kay PNP-CIDG director Ricardo Dapat, ang random operations ay alinsunod sa pinalakas na anti-illegal gambling campaign ng pamahalaan.

Nasamsam sa operasyon ang P1,576 gambling bets, mga gambling paraphernalias at kung anu-ano pa.

Nasamsam din ang ilang TV sets, mga telepono na ginagamit sa bookies operation, gayundin ang ruta na ginagamit naman sa recording ng horse -racing bets.

Sa nasabing operasyon, 28 katao ang nasakote hanggang sa nangangasiwa sa nasabing mga ilegal na pasugalan.

Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 1602 o ang Anti-Illegal Gambling Law. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTI-ILLEGAL GAMBLING LAW

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DALAWAMPU

JOY CANTOS

MAYNILA

NASAMSAM

REPUBLIC ACT

RICARDO DAPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with