^

Metro

Chinese tinututukan sa game fixing sa NCAA

-
Tinukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang grupo ng Chinese national at mga Tsinoy ang kanilang sinusubaybayan ngayon dahil sa hinalang ang mga ito ang nasa likod ng multi-milyong game fixing sa mga basketball game ng National Collegiate Athletics Association (NCAA).

Sinabi ni Asst. Regional Director Vicente de Guzman III ng NBI-Special Action Unit, tinitingnan nila ngayon ang posibilidad na nakikipagtransaksiyon ang ilang mga college basketball player sa grupo para magbenta ng mga laro.

Sinabi nito na ang naturang mga dayuhan ay nasa edad 20-pataas, mayayaman at panatiko ng basketball. Nagkakaroon umano ng pustahan sa pagitan ng mga ito at upang masiguro ang panalo ay nagkakaroon ng bayaran sa mga manlalaro para ilaglag ang isang game.

Una nang nagtalaga ng mga undercover agent ang NBI sa mga laro ng NCAA upang mag-monitor sa mga galaw ng mga Tsino at mga manlalaro sa ulat ng malawakang game fixing. Ito’y matapos na lumapit ang pamunuan ng NCAA sa pangunguna ni Joe Lipe at Fr. Victor Calvo sa NBI para imbestigahan ang naturang iregularidad. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

GUZMAN

JOE LIPE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETICS ASSOCIATION

REGIONAL DIRECTOR VICENTE

SINABI

SPECIAL ACTION UNIT

VICTOR CALVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with