^

Metro

Tin cans bawal sa MRT

-
Mahigpit na ipinagbabawal ngayon sa Metro Rail Transit (MRT) sa mga pasahero nito ang pagdadala ng mga tin cans dahil sa banta ng mga teroristang pagpapasabog sa mga matataong lugar sa Metro Manila.

Sa ipinalabas na memorandum order ng Department of Transportation and Communications (DOTC) General Manager Roberto Lastimoso, ang pagbabawal ng mga tin cans katulad ng softdrinks, juice drinks at mga de-latang pagkain sa MRT ay bunsod ng pagkakatanggap ng intelligence report na muling aatake ang mga terorista sa Metro Manila at gagawa ng pagpapasabog sa matataong lugar.

Napag-alaman pa kay Lastimoso na karaniwang ginagamit ng mga terorista ang mga tin cans para lagyan ng mga pulbura para gamiting pampasabog.

Napag-alaman na una nang ipinagbawal ang mga tin cans sa mga sinehan matapos na pasabugin ang isa sa mga sinehan sa SM Megamall noong 2001.

Nagbabala rin si Lastimoso sa mga pasahero ng MRT na huwag na silang magbalak na magdala ng anumang uri ng tin cans dahil siguradong hindi sila pasasakayin sa nasabing tren. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

EDWIN BALASA

GENERAL MANAGER ROBERTO LASTIMOSO

LASTIMOSO

MAHIGPIT

MEGAMALL

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with