^

Metro

2 bitay sa amang pumaslang sa 2 anak

-
Hinatulan kahapon ng dalawang ulit na kamatayan ang isang ama na pumaslang sa dalawang paslit niyang anak noong nakalipas na Disyembre, 1998.

Sa limang-pahinang desisyon na ipinalabas ni Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Silvino Pampilo Jr., ang hinatulan ng dalawang bitay ay si Honorio Tibon kaugnay sa pagpaslang niya sa kanyang dalawang anak na sina Kenjits, 2; at Albert, 3; sa loob ng kanilang bahay.

Tinadtad ng saksak sa katawan ng akusado ang kanyang dalawang anak makaraang matuklasan na ang kanyang live-in partner na si Gina Sumangit, isang domestic helper sa Hong Kong at ina ng dalawang bata ay may ibang kinakasama.

Mahimbing noong natutulog ang dalawang bata nang kanya itong pagsasaksakin bilang paghihiganti sa ina ng mga ito.

Ibinasura ng korte ang naging depensa ni Tibon na wala sa katinuan ng pag-iisip nang isagawa niya ang krimen. (Ulat nina Andi Garcia at Grace Dela Cruz)

ANDI GARCIA

DALAWANG

DISYEMBRE

GINA SUMANGIT

GRACE DELA CRUZ

HINATULAN

HONG KONG

HONORIO TIBON

JUDGE SILVINO PAMPILO JR.

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with