^

Metro

Mister pinatay sa sakal ang buntis na misis

-
Pinatay sa pamamagitan ng sakal ng isang 25-mister ang kanyang buntis na misis matapos na magduda ang una na sa kanya ang dinadalang sanggol ng huli, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Naaresto naman agad ang suspect na mister na nakilalang si Randy Ogalino, factory worker at residente ng Blk. 40 Welfareville Compound ng nasabing lungsod. Ito ay sasampahan ng kasong parricide at abortion makaraang mapatay ang kanyang asawang si Judy Ogalino, 27, apat na buwang buntis.

Ayon kay PO3 Ruperto Balsamo, may hawak ng kaso naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa nasabing lugar kung saan doon nangungupahan ang mag-asawa.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagulat na lang ang may-ari ng kuwartong inuupahan ng mag-asawa na nakilalang si Jenny Maliniana ng makita nitong binubuhat na palabas ng suspect ang wala nang buhay na biktima upang ibigay sa sumusundong ahente ng punerarya.

Nang tanungin ni Maliniana ang suspect kung ano ang nangyari ay sinabi ng lalaki na binangungot umano ang misis.

Nagduda ang kahera kaya tumawag sa himpilan ng pulisya na mabilis na rumesponde upang imbestigahan ang pagkamatay ng biktima at nang dalhin ang katawan nito sa crime laboratory upang isailalim sa awtopsiya kung ano talaga ang dahilan ng pagkamatay.

Lumabas sa resulta ng pagsusuri ng EPD Crime Laboratory namatay ang biktima sa pagkakasakal kaya agad na ipinaaresto ang suspect.

Napag-alaman pa sa imbestigasyon na napatay ng suspect ang biktima matapos na magtalo ang dalawa ng itanggi ng una na anak niya ang ipinagbubuntis ng huli na nauwi sa pagtatalo. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

CRIME LABORATORY

EDWIN BALASA

JENNY MALINIANA

JUDY OGALINO

MANDALUYONG CITY

RANDY OGALINO

RUPERTO BALSAMO

WELFAREVILLE COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with