Aktor na si Paolo Contis sugatan sa aksidente
August 9, 2005 | 12:00am
Sugatan ang aktor na si Paolo Contis makaraang suyurin ng minamaneho niyang Ford Expedition ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng Elliptical Circle, Quezon City kahapon ng umaga.
Kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang aktor matapos na magtamo ng mga galos at pasa sa katawan nang maaksidente dakong alas-6 ng umaga sa naturang lugar.
Ayon sa pulisya, lulan si Contis ng kanyang Ford Expedition na may plakang XEV-224 kasama ang kanyang direktor na si Allan Chantiongco patungo sa North Avenue.
Binabagtas ng aktor ang nasabing lugar nang bigla nitong mabangga ang isang pampasaherong jeep na may rutang Roxas at Cubao na minamaneho ni Ronnie Mongo, 36, ng Quezon City,
Kasunod nito bumangga rin ang kotse ng aktor sa Nissan Altima na may plakang UHB-981 na minamaneho naman ng isang Ronnie Banotes, 27, ng Novaliches.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang aktor ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan, subalit mariin naman itong itinanggi ng una kung kayat ito rin ang iginigiit ni Mongo na bumangga sa kanya makaraang makita niya itong lumabas mula sa drivers seat ng sasakyan.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa kung sino ang dapat na managot sa nasabing insidente. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest