4 pulis timbog sa entrapment

Apat na pulis na nakatalaga sa NCRPO-RSAU ang dinakip sa isang entrapment operation makaraang kikilan ang pamangkin ni El Shaddai leader Mike Velarde sa Parañaque City.

Kinilala ni Parañaque City Police chief, Supt Ronald Estilles ang mga suspect na sina SPO4 Dante Mijares; PO3 Dennis Michael Duran; PO3 Rolando Ty at PO1 Boots Redita. Ang mga ito ay nahaharap sa kasong robbery-extortion.

Sa reklamo ni Alfredo Buenaobra, 43, pangulo ng Multinational Transport Cooperative, madalas umano siyang kinokotongan ng mga suspect.

Hindi na umano nila matiis ang pahirap ng apat na pulis kung kaya’t agad silang humingi ng tulong kay Estilles at isinagawa ang entrapment operation dakong alas-7 ng gabi sa terminal ng jeep sa Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Parañaque City.

Agad na dinakip ang apat sa aktong tinatanggap ang P2,000 marked money. (Lordeth Bonilla)

Show comments