^

Metro

MPD police, utas sa shootout

-
Patay ang isang pulis ng Manila Police District matapos na makipagbarilan sa mga kagawad ng Caloocan City Police nang tangkain nito na i-salvage ang dalawang kapitbahay kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Dead on arrival sa San Lorenzo Hospital si PO3 Angel Ico, Jr. 37, ng MPD-Station 3 at residente ng Blk. 4 Lot 14 Phase 1 Tierra Nova Homes, Royal 1 Bagumbong Caloocan City. Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.

Sumuko naman ang nakabarilang mga pulis ni Ico na sina PO1’s Rodel Delosmo; Gener Delos Santos na kapwa nakatalaga sa Bagumbong Detachment habang sina PO1’s George Aurelio at Rodolfo Asuncion ay nakatalaga naman sa PNP-SAF ng Caloocan Police.

Dakong ala-1:30 ng madaling-araw ng dalhin ni Ico sina Christian Estrella, 20 at Reynaldo Artigas sa Caspe St. sa Blk. 8 Tierra Nova, sakay ng kanyang owner type jeep. Pinababa ng suspect ang dalawa hanggang sa magkaroon ng komosyon at mapansin ng mag-inang Lucia at Paulo Ngalo-Ngalo ang insidente. Nilapitan ni Paulo ang pulis subalit bigla itong pinalo ng baril sa batok.

Makaraan ang ilang minuto ay dumating ang apat na pulis kung saan sinita ang ginagawa ni Ico. Agad namang sumagot sina Estrella at Artigas na balak silang i-salvage ni Ico kung kaya’t napilitan ang huli na paputukan ang mga pulis kung saan gumanti naman ang apat. (Rose Tamayo)

ANGEL ICO

BAGUMBONG CALOOCAN CITY

BAGUMBONG DETACHMENT

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE

CASPE ST.

CHRISTIAN ESTRELLA

GENER DELOS SANTOS

ICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with