^

Metro

3 'bone snatcher' timbog

-
Kalaboso ang tatlong miyembro ng tinaguriang ‘Bone Snatcher’ matapos maaktuhan ang mga ito na nagnanakaw ng mga buto ng tao sa loob ng isang sementeryo, kahapon ng umaga sa Caloocan City,

Nakilala ang mga nadakip na sina Rosita Rosal, 48; Anita Castillo, 55, at Felipe Oroco Jr., 29, pawang residente ng 2nd Avenue ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:30 nang maaresto ang mga suspect sa loob ng La Loma Cemetery na matatagpuan sa 5th Avenue C-3, Caloocan City.

Sa salaysay ng mga guwardiya na sina Jerry Peñaflor, 24, at Genesis Almojel, 28, kasalukuyan silang nagroronda nang mamataan nila ang tatlong suspect na kasalukuyang kinukuha ang buto ni Alberto dela Cruz na isa sa mga nakalibing sa naturang sementeryo.

Nang sitahin ng mga guwardiya ang tatlo ay agad na nagsitakbo ang mga ito habang bitbit pa ang mga kinuhang buto subalit bago pa tuluyang makatakas ay nasakote na rin ang mga suspect na dinala sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa guwardiya, matagal na umanong may nagrereklamo sa pamunuan ng La Loma Cemetery dahil nawawala ang mga buto ng kanilang mga mahal sa buhay na nakalibing sa naturang sementeryo kaya’t ipinag-utos sa kanila ang mahigpit na pagmamanman sa loob ng kanilang tinatanuran.

Nabatid naman sa mga suspect na ibinebenta nila sa mga buto na kanilang nakukuha ngunit hindi umano nila alam kung ano ang ginagawa sa mga buto ng tao na kanilang nakukuha.

May palagay naman ang mga awtoridad na posibleng ibinebenta sa mga medical student. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANITA CASTILLO

AVENUE C

BONE SNATCHER

CALOOCAN CITY

FELIPE OROCO JR.

GENESIS ALMOJEL

JERRY PE

LA LOMA CEMETERY

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with