^

Metro

Kotse salpok sa 10-wheeler: Driver patay

-
Nasawi ang isang negosyante matapos na sumalpok ang kanyang kotse sa isang nakaparadang trak sa paanan ng tulay ng Nagtahan, kahapon ng madaling-araw sa Sta. Mesa, Manila.

Hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Apolinario Estulano, ng EG-Bldg. Santiago St., Sampaloc, sanhi ng pagkakaipit sa loob ng nayupi niyang kotse na Toyota Innova (ZAA-188).

Arestado naman ang driver ng 10-wheeler truck na si Lyn Balayo, 37, ng Gan Trucking Services.

Batay sa ulat ng Manila Traffic Bureau, dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa paanan ng nasabing tulay.

Ayon kay Balayo, ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada nang ma-flat ang isang gulong ng truck. Naglagay naman umano siya ng warning device 10-metro ang layo sa trak na hindi napansin ng biktima.

Hindi na nakaiwas ang biktima dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo pababa ng tulay at diretsong sumalpok sa trak. Naipit ang ulo ng biktima dahilan upang mabasag ang bungo nito.

Ayon naman sa mga imbestigador, isang gulong lamang ang inilagay ni Balayo sa kalsada bilang warning device niya na hindi napansin ng biktima.

Hindi rin umano ito sapat at labag sa alituntunin ng batas-trapiko kaya kakasuhan pa rin ito ng reckless imprudence resulting to homicide. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

APOLINARIO ESTULANO

ARESTADO

AYON

BALAYO

DANILO GARCIA

GAN TRUCKING SERVICES

LYN BALAYO

MANILA TRAFFIC BUREAU

SANTIAGO ST.

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with