^

Metro

Warrant of arrest inisyu na: Suzette Wang, tinutugis

-
Pakay ngayon ng malawakang manhunt operations ng mga elemento ng PNP si Suzette Wang, umano’y co-mastermind ni dating Quezon City Congressman at aktor na si Dennis Roldan sa kaso nang pagdukot sa batang si Kenshi Yu noong nakalipas na Pebrero sa Pasig City.

Ayon kay PACER chief Deputy Director Oscar Calderon, ito’y matapos na magpalabas na ng warrant of arrest si Presiding Judge Agnes Reyes Carpio ng RTC Branch 261 ng Pasig City sa nasabing kaso laban kay Wang.

Sinabi ni Calderon na ang warrant of arrest laban kay Wang, alyas Andian Shir, girlfriend ni Roldan ay inisyu matapos itong isangkot sa kasong kidnapping for ransom sa 3-anyos na si Kenshi, alyas Ken-Ken.

Si Ken-Ken ay kinidnap ng grupo ni Roldan, Mitchelle Gumabao sa tunay na buhay noong Pebrero 9 sa unang palapag ng AIC Gold Tower Condominium at itinago sa Cubao, Quezon City.

Nauna nang nabulgar sa imbestigasyon ng PACER na si Wang ay schoolmate ng ina ng bata at kasama ni Roldan sa pagpaplano sa kidnap.

Magugunitang, P250 milyon ransom ang hinihingi ng grupo ni Roldan kapalit ng kalayaan ng bata.

Si Roldan at anim pa nitong kasabwat ay nasakote sa isinagawang rescue operations sa biktima sa safehouse ng grupo sa may Harvard St., Cubao, Quezon City. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANDIAN SHIR

CUBAO

DENNIS ROLDAN

DEPUTY DIRECTOR OSCAR CALDERON

GOLD TOWER CONDOMINIUM

HARVARD ST.

JOY CANTOS

KENSHI YU

PASIG CITY

QUEZON CITY

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with