^

Metro

Trader binoga sa tapat ng bahay

-
Nasawi ang isang negosyante matapos na barilin nang malapitan ng isang hinihinalang ‘gun for hire’ sa tapat ng kanyang bahay, kamakalawa ng gabi sa Sta. Ana, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Antonio Baltazar, 56, residente ng 1934 A. Francisco St., Sta Ana.

Inilarawan naman ang suspect na nasa gulang na 25-30-anyos, 5’4-5’6 talampakan ang taas, payat, nakasuot ng itim na jacket, matangos ang ilong at armado ng isang kalibre .38 baril.

Sa ulat ng MPD- Homicide Section naganap ang pamamaslang dakong alas-8 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima habang nakikipag-usap ito sa kanyang kapitbahay.

Kaswal na lumapit umano ang suspect at agad na binaril ang biktima sa kanang tagiliran ng katawan nito. Nagawa pang makatakbo papasok sa kanyang bahay si Baltazar upang makaiwas pa sa papamaril ng suspect na agad namang tumakas.

Isinugod ng mga kaanak si Baltazar sa Ospital ng Maynila ngunit hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Nagsasagawa naman ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya tungkol sa motibo sa pagpaslang kung ito ba ay may kinalaman sa negosyo o personal. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTONIO BALTAZAR

BALTAZAR

DANILO GARCIA

FRANCISCO ST.

HOMICIDE SECTION

INILARAWAN

ISINUGOD

KASWAL

MAYNILA

STA ANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with