^

Metro

Misis patay sa parak na mister

-
Nasawi ang isang ginang nang barilin ng asawang pulis makaraang makulitan ang huli dahilan sa pagpupumilit ng una na sumama sa trabaho ng mister, kahapon ng madaling- araw sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay makaraang isugod sa Bernardino Hospital sanhi ng tama ng .9mm na baril sa kanang balikat na naglagos sa dibdib ni Ria Bautista-Evangelista, 29, ng Block 4, Lot 7, Cattleya St., Merry Homes, Brgy. 177, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Sumuko naman ang suspect na mister na nakilalang si PO1 Darwin Evangelista, 29, nakatalaga sa Regional Intelligence Special Unit ng National Capital Region Police Office.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng mag-asawa.

Nabatid na galing ang mag-asawa sa isang kasiyahan at kapwa nakainom ang mga ito at habang sakay ng owner type jeep papauwi ay nagtalo matapos na magpumilit ang babae na sumama sa trabaho ng kanyang asawang pulis

Dahil dito, tinakot ng pulis ang misis na babarilin kapag nagpumilit na sumama at hindi bumaba sa sasakyan. Hindi naman natakot ang babae hanggang sa mapilitan ang mister na magpaputok ng dalawang sunod sa ere.

Hindi pa rin natinag ang misis at hindi bumaba sa kanilang sasakyan dahilan upang lalong magalit ang pulis na agad na pinaputukan ang ginang sa balikat.

Nang makita ng suspect na duguan ang kanyang misis ay agad niya itong isinugod sa pagamutan ngunit hindi na rin umabot ng buhay. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BERNARDINO HOSPITAL

BRGY

CALOOCAN CITY

CATTLEYA ST.

DARWIN EVANGELISTA

MERRY HOMES

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

REGIONAL INTELLIGENCE SPECIAL UNIT

RIA BAUTISTA-EVANGELISTA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with